Kahirapan




Resulta ng larawan para sa kahirapan

          Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi. Ang absolutong kahirapan ang kalagayan o katayuan ng hindi pagkakaroon ng paraan o pamamaraan upang makayanan o makapagdulot magkaroon ng payak o basikong mga pangangailangang pantao, katulad ng malinis na tubig o naiinom na tubig, nutrisyon, pangangalagang pangkalusugan, kasuotan, at tirahan.

ANO ANG MGA KADAHILANAN NG KAHIRAPAN SA MUNDO?

          
                               Resulta ng larawan para sa sanhi ng kahirapan

          Ang Pandaigdigang Kapisanan para sa Pagpapaunlad o World Development Organization, ay nagsasabi na ang mga patakaran ng mga pamahalaan at mga banyagang negosyo ang sanhi ng kahirapan. Sila kaya ay tama?

          Ang mundo ay may kayamanan at mga kapamaraanan upang wakasan ang kahirapan. Datapuwat halos kalahati ng populasyon ng mundo ay nabubuhay lamang sa halos 1.40 dolyar ($1.40) kada araw. At higit sa labing-isang (11M) milyong mga bata ang mamamatay mula sa mga sakit na sanhi ng kahirapan ngayong taon lamang na ito (basahin ang polyeto na nalathala sa bagong isyu ng “The New Internationalist”). Ang partikular na polyetong ito na pinamagatang, “Hindi ba panahon na upang isakatuparan ang mga paraan upang malunasan ang mga dahilan ng kahirapan?” ay inilathala ng isang organisasyong tinaguriang “World Development Movement” at ito ay maaaring nagmula sa alinman sa mga ibat ibang samahang kawanggawa na nagsusulong sa larangang ito.

Edukasyon
                           Resulta ng larawan para sa kahirapan sa edukasyon
          Dahil na rin sa kahirapan, kadalasang napagkakaitan ang mga mahihirap ng oportunidad para makapag-aral. Karapatan nga raw ang edukasyon pero sa bansa nating ito, mas pinipili pa rin ng ibang mga bata na tumulong sa kani-kanilang mga magulang upang may makain sila araw-araw. At dahil dito, mas nahihirapan silang makahanap ng maayos na trabaho dahil wala silang sapat na edukasyon upang makapagtrabaho sa malalaking kumpanya.
          Bukod pa rito, dahil sa kakulangan ng edukasyon at matinding pangangailangan sa buhay, may iba ring tao na nagiging desperado para lang may makain sila at mas pinipili na lang mabuhay sa kalye at magnakaw. Sa dokumentaryong, The Slum: Risky Business, makikita natin kung papaanong mag-isip at mabuhay ang mga batang kalye na nakatira sa lungsod ng Tondo. Kadalasan, ang mga batang kalyeng nakatira sa ampunan ay mas pinipinipiling tumira sa lansangan dahil sa tingin nila ay mas ligtas sila rito kumpara sa ampunan dahil ito na ang kanilang nakasanayan.
          Ipinapakita ng bidyong Ang Larawan Ng Kahirapan (Poverty and Education) kung paano pinagkaitan ng kahirapan ng edukasyon ang mga mahihirap. Minsan kasi kinakailangan munang kumayod ng mga bata bago sila makapag-aral. Kinakailangan nilang tumulong sa kani-kanilang mga pamilya para may pangkain ito sa pang-araw araw. Kung kayat sinasabi nila na minsan hindi “option” ang edukasyon sa nakararami. Sinasabi din na “karapatan ang edukasyon pero sa mundo nating ito, 121 milyong daang bata ang hindi pumapasok sa eskwelahan at dahil ito sa kahirapan” (Lazaro, 2010). Mas pinipili ng mga bata na lamanan na lang ang kanilang mga tiyan bago ang kanilang mga kaisipan.
          Ayon sa kay Anne Villegas, na isang estudyante dito sa Unibersidad ng California, Los Angeles at naranasang makapag-aral sa isang pampublikong paaralan, kulang na kulang ang pasilidad ng pampublikong paaralan sa Pilipinas. Kumpara sa mga pribadong paaralan, kulang ang kanilang mga pasilidad para mapagkasya at matulungan ang lahat ng mga estudyante. Minsan ay kulang sila ng mga klasrum, upuan, at maayos na palikuran. Sa dami ng mga estudyante ay nagmumukha ng payatas ang mga silid-aralan na nagiging dahilan kung bakit nahihirapang makinig ng mga ito sa kanilang mga guro. Mayroon din namang iba na walang sapat na pera pambili ng mga kagamitan nila pang-eskwela kagaya ng sapatos, uniporme, kuwaderno, at lapis.
          Ngunit hindi lang naman dito nagtatapos ang lahat dahil may iba pa ring mga mamamayan na gumagawa ng paraan upang makatulong sa kanilang kapwa sa kanilang sariling maliit na paraan. Sabi nga nila, ang pagtutulungan ay nagsisimula sa isang tao. Si Efren Penaflorida ay isang mamayang Pilipino na nanalo bilang CNN Hero of the Year noong 2009 (CNN, 2009). Sinimulan niya ang pushcart klasrum na nagsilbing eskwelahan para sa mga batang nakatira sa lansangan. Naglalayon itong mapabuti ang kalagayan ng mga batang walang kakayahang pumasok sa eskwelahan at para ilayo na rin sila sa paggamit ng droga. Sinabi niya sa kanyang talumpati na ang bawat tao ay may kakayahang tumulong sa ating kapwa, mahirap man o mayaman. Kinakailangan lang nating magtulungan lahat at maglingkod nang mabuti sa mga mamayanan.
Kawalang Disiplina
                      Resulta ng larawan para sa kahirapan dulot ng walang disiplina
           Sabi nga nila, sa panahon ngayon sa Pilipinas, opsiyonal na lang ang pagsunod sa mga batas. Maging ang mga kabataan ngayon ay hindi na natatakot sa batas. Kailangan nating maging disiplinado at matakot sa mga awtoridad para matuto tayong sumunod sa mga patakaran. Marami nang nagdaang matatalinong mamumuno sa ating bansa pero kung hindi marunong sumunod ang mga tao ay wala ring patutunguhan ito. Lahat ng tao ay gustong makamit ang pagbabago pero iilan lang talaga ang handang magbago.
          Paano nga ba nating masusulusyunan ito? Ang totoo niyan, bago mo malinis ang isang lungsod, kinakailangan muna nating maayos ang peace and order sa bansa. Ang ibig sabihin nito ay kailangan muna nating patinuin ang mga pulis at iba pang mga awtoridad. Mahirap naman kasi kung ang unang mga tagapagtupad ng batas ang siyang unang nagiging pasaway pagdating sa pagsunod ng mga patakaran. May ilang mga lugar sa Pilipinas ang nauna nang maghanap ng solusyon upang maisaayos ang kanilang mga lugar. Isa na dito ang lungsod ng Laoag na nagpatupad ng mas mahigpit na batas para sa kapulisan at buong komunidad nito. Napag-alamanan ko na sa Laoag, kapag nahuli ang isang pulis na hindi gumagawa ng trabaho ay agad siyang paparusahan ng nakatataas sa kanya at pag inulit niya pa ito ay maaari na siyang masibak sa trabaho. Bukod pa rito, noong nadisiplina na nila ang kapulisan ay gumawa na sila ng ilang programang pangkaligtasan. Dito ay naglagay sila ng police C.A.R.T (Community Assistance and Referral Team) sa buong kapaligiran ng Laoag. Ang programang ito ay ipinatupad upang magkaroon ng mas matinding presensya ang mga pulis sa lugar. Ang C.A.R.T ay isang maliit na estasyon ng kapulisan sa isang kariton. Malaking tulong ito sa komunidad ng Laoag dahil mas malaki ang presensya ng mga pulis kung kayat mas natatakot ang mga taong hindi sumunod sa batas dahil mas madali silang mahuli. Bukod duon, mas madali ring makapag-aabot ng tulong ang mga kapulisan sa mga nangangailangan.
          Malaking tulong rin ang paglalagay ng mga CCTV dahil mas namomonitor ang kilos ng mga tao at mas nagiging mabilis rin ang paghuli sa mga taong gumagawa ng krimen. Nagkaroon rin sila ng mga check points para siguraduhin ang kaligtasan ng mga taong nagsisilabas-masok ng lungsod. Dahil dito, tumaas ang crime solution efficiency ng Laoag ng halos kalahati; mula 36.75% noong 2013 ay naging 66.61% ito pagdating ng 2014 para sa kanilang agarang paglutas ng mga krimen. Bukod duon, malaki rin ang binaba ng kanilang monthly crime rate, na mula 306 noong 2013 ay naging 268 nalang ito noong 2014 (News 5, 2016).
          Napakahilig ng gobyerno na gumawa ng mga batas tuwing namomroblema sila sa pag disiplina ng mga tao pero wala namang sumusunod sa mga ito. Ang problema kasi ay walang nagpapatupad ng mga batas na ito kaya patuloy pa rin ang mga tao sa paglabag nito. Wala silang kinakatakutan dahil wala namang humuhuli sa kanila. Isa pa, mahilig rin silang magpalusot; palagi nilang sinasabi na likas na sa mga Pilipino ang hindi sumunod sa batas at mahirap nang baguhin ito. Pero hindi dahil mahirap nang gawin ang isang bagay ay imposible na itong gawin. Hindi laging kinakailangan ng bakal na kamay upang laging mapasunod ang mga tao dahil maaari rin itong daanin sa kusa kung matututo lang makipagtulungan ng mga tao. May iba kasi na hindi sumusunod sa batas dahil lang sa walang nakatingin o nagbabantay sa mga kilos nila.
Sanhi at Solusyon sa Kahirapan
                                          Resulta ng larawan para sa duterte
                                                    Presidente. Rodrigo Roa Duterte Ang Solusyon 
1. Katamaran
2. Kakulangan sa edukasyon
3. Corruption
KAkulangan sa edukasyon
Katamaran
Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad.
Maraming pilipino ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral. isa yan sa dahilan kung bakit naghihirap ang mga pilipino. dahil dito hirap silang makakuha ng trabaho.
Corruption
1. Tanggalin ang korupsiyon sa gobyerno na siyang nagpapahirap sa mga mamamayang Pilipino. Kung wala sanang corrupt na opisyan ng gobyerno, ang budget sa iba't ibang ahensiya o kagawaran ay deretsong maitutulong sa mga tao. Halimbawa, sa edukasyon, mailalaan talaga ang pondo para sa mga kagamitan ng batang mag-aaral, kailangang mga kagamitan ng paaralan at sapat na guro. Mailalaan din sana ang pondo para sa pangkabuhayan ng mga tao upang magkaroon ng sapat na trabaho o pagkakakitaan. Kung bawat ahensiya ay aktibo sa pagtulong at tamang paggamit ng pondo hindi sana ganito kahirap ang buhay ng mga Pilipino. 

Ang korapsyon o pagnanakaw sa pondo ng bayan ay gawaing karumal-dumal. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay naghihirap ang mga Pilipino. Dahil ang perang dapat pupunta sa mga tao ay ibinubulsa ng mga kurakot.
2. ang bawat tao ay dapat mag-aral hanggang sa makatapos ng isang kurso, ito man ay agrikultural, propesyonal, bokasyonal, teknikal, o iba pa. Ang mga natutuhang karunungan (knowledge), kaalaman (know-how), at kakayahan (skills) mula sa tinapos na kurso ang siyang magiging batayan ng papasukang trabaho.
3. ang isang tao ay huwag munang mag-asawa kung wala pa siyang matibay na trabaho at kinikíta. Sa trabaho at kinikíta magmumula ang ipantutustos sa mga pangangailangan ng asawa’t mga anak. Kung wala pang trabaho at kinikíta, pero nag-aasawa’t nag-aanak na, ang kalalabasan ng ganyan ay gútom. Simpleng lohika lámang ang kailangan dito. Hindi natin kailangang maging mga henyo upang maunawaan ito.
4. ang bílang ng magiging mga anak ay dapat ibatay sa kinikíta. Kung ang kinikíta ay sapat sa lima, anim, pito, o higit pang anak, at gustong gumawa ng lima, anim, pito, o higit pang anak, aba’y di gumawa ng lima, anim, pito, o higit pang anak. Pero kung ang kinikíta ay sapat lámang sa isa o dalawang anak, pero walo ang ginawang anak, mauuwi iyan sa kasalatan sa pagkain, damit, pag-aaral, pampaospital, pampadental, at iba pang mga pangangailangan.

5. kung ang isang tao ay hindi makapag-aral o wala 
pang trabaho at kinikíta, huwag niyang gawing lunas sa ganyang problema ang pag-aasawa at pagpapamilya. Walang magulang na papayag na ang kanyang anak ay basta na lámang mag-aasawa at gagawa ng mga anak kahit wala pang natatapos na pag-aaral, wala pang trabaho, at wala pang kíta.
6. ang bawat isa sa atin ay dapat matutong makapagsarili o maging independent. Mali iyong wala pang trabaho at wala pang kinikíta, pero ang lakas na ng loob na mag-asawa at gumawa ng mga anak, at sakâ dadalhin sa 
mga magulang ang asawa’t mga anak, at ang mga 
magulang ang aasahang magpapakain at aaruga sa 
kanya at sa kanyang asawa’t mga anak.


           SOURCES:
  • https://www.youtube.com/watch?v=zIHZV2oMsMU
  • https://tl.wikipedia.org/wiki/Kahirapan
  • http://www.worldsocialism.org/filipino/ano-ang-mga-kadahilanan-ng-kahirapan-sa-mundo
  • http://tagalog-tula-pilipinas.blogspot.com/2011/08/submitted-poem-karalitaan.html
  • https://uclaliwanagatdilim2016.wordpress.com/2016/06/06/mga-sanhi-at-bunga-ng-kahirapan-sa-pilipinas/
  • http://kahirapansabansa.blogspot.com/2015/10/kahirapan-sa-pilipinas.html
  • http://komunikasyon-gandhi2016.blogspot.com/2016/10/katiwalian-ng-pamahalaan.html
  • https://prezi.com/xncty5zxeqda/sanhi-at-solusyon-sa-kahirapan/
  • https://www.youtube.com/watch?v=wlcleOp5_pU



Mga Komento

Mag-post ng isang Komento